Ako'y natutulala araw-araw nakikita
Hindi alam ako'y nakamasid
Hindi mo lang ako napapansin
Hanggang tingin na lang ba sa'yo
'Di makalapit sa ganda mo
Gusto lang na makilala pa
Hindi ko masabi ang gusto aminin ang hirap sabihin na
Gusto lang kita makasama hanggang sa pagbaba ng araw
'Pag tayo na lang dalawa hindi lang masabi 'pag may iba
Gusto lang naman na aminin sa'yo ang nararamdaman ng aking puso
Wala nang iba 'wag nang pahirapan pa andito na
Totoo na nga ba 'to medyo hindi napagtanto
Matagal na kitang kilala simula palang nung una andito na
Ang hirap din patagalin kasi marami nakakapansin
Lahat nabibighani hindi ko naman masisi
Hindi ko masabi ang gusto aminin ang hirap sabihin na
Gusto lang kita makasama hanggang sa pagbaba ng araw 'pag tayo na lang dalawa
Hindi lang masabi 'pag may iba
Gusto lang naman na aminin sa'yo ang nararamdaman ng aking puso
Wala nang iba 'wag nang pahirapan pa andito na
Hindi rin makaimik kahit pa makatabi
Nawawala aking tapang 'pag malapit ka na bigla akong naduduwag
Mangangarap na lang ba na ikaw ang kasama
Gusto lang kita makasama hanggang sa pagbaba ng araw 'pag tayo na lang dalawa
Hindi lang masabi 'pag may iba
Gusto lang naman na aminin sa'yo ang nararamdaman ng aking puso wala nang iba
'Wag nang pahirapan pa andito na