Kahit anong tingin kahit anong isipin
Walang paki-alam 'di na pinapansin
'Di kailangang magpanggap o magbago
Ganda ko'y natural sobrang plakado!
Kaakit-akit awra'y uma-apaw
Humahalina sa bawat kong galaw
Kumikinang tila nakakasilaw
'Pag lumabas lahat sila'y napapa-wow!
Kahit anong pintas 'di na padadala
mas lalong kikinang mas lalong pupuksa!
Keber nalang 'wag nang patulan yan
Kung inggit pikit lumayas ka na diyan
Kaakit-akit awra'y uma-apaw
Humahalina sa bawat kong galaw
Kumikinang tila nakakasilaw
'Pag lumabas lahat sila'y napapa-wow!
Kahit anong bulong kahit anong kuda
Mas lalo lang akong guma-ganda!
Pabagsakin man walang mapapala
Ako pa rin ang reynang e-eksena
Kaakit-akit awra'y uma-apaw
Humahalina sa bawat kong galaw
Kumikinang tila nakakasilaw
'Pag lumabas lahat sila'y napapa-wow!
'Di papatinag sa chika ng iba
'Wag pansinin ang ugaling chaka
'Di maabot kaya inggit sila
Sa huli sa akin ang korona!
Sobrang Latina...Hayop sa ganda!
Sobrang Latina...Ang gorgeous! Ang sarap!
Sobrang Latina...Akala mo'y diwata
Sobrang Latina...Andito na ang reyna!