LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

aminin

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Wala bang diwa ang gabi
Na tayo'y magkatabing tumatawa ng sabay
Hawak ko ang iyong kamay
At sa'yo'y nakahimlay

Wala bang diwa ang tingin
Ang pagsulyap mong madiin
Pinagmasdan ang iyong mukha
Kitang kita sa mata
Ayaw mo kong mawala
Oh kaibigan lang ba

Pag may nararamdaman bat 'di mo pa sabihin
Pag may konti mang kislap 'wag mo namang ilihim
Pag ang puso'y may tula gawin mo nang awitin
Pag may konting nadama ako'y kakapit
Bakit hindi mo ba talaga kayang aminin
Aminin

O ako lang ba ang mayroon
Palihim na pagtingin
Oh hindi na natauhan
Hanggang puso'y maubusan
Ba't sinimulan ba't pinadama
Kung bibitawan lang pala

Lumalapit tas aalis anong gustong iparating
Kahit ano pang gagawin kita naman sa iyong tingin
Isang salita 'di mo magawa
Oh hanggang dito lang ba

Pag may nararamdaman bat 'di mo pa sabihin
Pag may konti mang kislap 'wag mo namang ilihim
Pag ang puso'y may tula gawin mo nang awitin
Pag may konting nadama ako'y kakapit
Bakit hindi mo ba talaga kayang aminin
Aminin

O ako lang ba ang mayroong
Palihim na pagtingin

Pag ikaw lang mag-isa 'di mo ba iniisip
Na ako lang ang gusto mong makapiling
Oh kung ang puso ko'y kukunin at sisilipin
Malalaman mo na ikaw lang ang hangarin
At kung ako naman ang maunang umamin
Tatanggapin mo ba ng kusa ang damdamin
Pag susubukan natin ang sadyang umibig
Araw-araw kitang pipiliin

WRITERS

Jolianne Salvado, Dominic Guyot

PUBLISHERS

Lyrics © Sony/ATV Music Publishing LLC

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other