Dalhin mo 'to ang regalo ko sa 'yo
'Wag mong isosoli dahil masasaktan ang puso ko
Ako'y tatawa-tawa lang pero tunay ang sinasabi ko
'Di nga lang halata dahil marunong lang akong magdala
'Di sineseryoso mga pag-amin sa iyo
'Di mapigilang mag-isip kung handa na ba ang puso mo
O sadyang hindi lang ako ang 'yong gusto
Bakit ko pinipilit sarili sa iyo
Nabulag sa udyok ng pusong sabik sa pag-ibig mo
Sa bawat pagtanggi mo'y ako'y lalong lumalapit
Parang gomang 'pag hinila'y mabilis din ang pitik
Pag-ibig sa iyo ay lumulutang na sa ulap
Mananatili na lamang bang pangarap
Hirap labanan ng pusong maraming katanungan
Oh bakit sinayang mo lang
Ako'y tapat pa naman 'di ka paglalaruan
Oh bakit sinayang mo lang
Ako'y tapat pa naman 'di ka paglalaruan
Oh bakit bakit 'di malayuan
Ang taong patuloy kang sinasaktan
Oh bakit bakit hinahayaan mong
Dayain ang sarili para sa kanya
Pag-ibig sa iyo ay lumulutang na sa ulap
Mananatili na lamang bang pangarap
Hirap labanan ng pusong maraming katanungan
Bakit bakit 'di tumingin sa paligid
Oh lumapit-lapit sa taong bibigyan ka
Ng walang hanggang kasiyahan
Pag-ibig sa iyo ay lumulutang na sa ulap
Mananatili na lamang bang pangarap
Hirap labanan ng pusong maraming katanungan
Oh bakit sinayang mo lang
Ako'y tapat pa naman 'di ka paglalaruan
Oh bakit sinayang mo lang
Ako'y tapat pa naman 'di ka paglalaruan oh