Hininto ko na'ng hakbang patungo sa'yo
May pinatunguhan ang panalangin ko
Kasi hinawakaan mo ang kamay ko
Pinaniwalaan kong kalawakan ang ating agwat
Pagbukas ng puso mo'y tumugma sa akin natapat
Hininto ko na ang baka-sakaling
Nalagpasan ako ng tadhana
Mali ang inakala kong kwento
Na ika'y hanggang imahinasyon
Bago pa maipinta ang tayo
Ika'y isang dilag na humahabol sa pangarap
Kaya minarapat kong bilisan din ang takbo
Gusto kong masabayan ka sa mithiin mo
Mga panghuhusga nila'y 'di hahayaang ibato
Ako raw ay isang 'di hamak na panakip-butas mo oh
Kaya pinag-uugnay ko ang kalawakan na ating agwat
Pagbukas ng puso mo'y tumugma sa akin natapat
Hininto ko na ang baka-sakaling
Nalagpasan ako ng tadhana
Mali ang inakala kong kwento (yeah)
Na ika'y hanggang imahinasyon
Nagniningning ang mga mata ko
No'ng binigkas mo ang mahal ko
Tumingin ka sa sahig at binanggit
Mahal ko pa rin siya sinubukan ko naman ang mahalin ka
Pinilit lamang ang eksenang tayo ang iksi ng tayo
Kasi tama pala ang kwento
Na ika'y hanggang imahinasyon
Nalagpasan ako ng tadhana (tadhana)
Hihinto na lang ako sinta (sinta sinta sinta)
Pawang kabulaanan no'ng hinawakan mo ang kamay ko
May pinatunguhan ang panalangin ko
Kasi biglang napagtanto ko na
Hininto ko na'ng hakbang patungo sa'yo