LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Bangon Pilipino

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Bangon, Bangon, Bangon, Bangon Pilipino, Bangon Pilipino

(1st Verse)
Makakabangon din tayo tiwala lang sa itaas
tayo ay magtulongan wag muna sanang lumabas
upang sakit ay maiwasan at di lalong mahirapan
dahil delikado ang kalaban, at di mo maiiwasan
bata man o matanda, mahirap kaman o mayaman
sabay tayo na babangon ano man ang pinag daanan
alam kong nandiyan ang diyos upang bigyan tayo ng gabay
kaya kababayan ko babangon tayo ng sabay

(Chorus)
Bangon Pilipino wag tayong papatalo kahit anong dumating sa atin na delubyo
sama sama tayo, kapit kapit tayo di tayo patitibag makakabangon tayo

sanay iyong dinggin ang aming panalangin
muli mong ibalik ang kapayapaan sa'min

(2nd Verse)
Tinapik lang tayo ng diyos, upang mali maging ayos
tayo'y magbalik loob at manalangin ng taos
minsan lang tayo magdasal kapag siya ay kinakailangan
ngunit ang pasasalamat ay wag sanang kalimutan
maraming handang tumulong sa krisis na nagaganap
may mga nag sasakripisyo sakit wag lang lumaganap
sa kanilang mga tungkolin ay lalong nagsusumikap
upang matapos na ang lahat ng ating paghihirap

(Chorus)
Bangon Pilipino wag tayong papatalo kahit anong dumating sa atin na delubyo
sama sama tayo, kapit kapit tayo di tayo patitibag makakabangon tayo

sanay iyong dinggin ang aming panalangin
muli mong ibalik ang kapayapaan sa'min

(Bridge)
Bangon, Bangon, Bangon, Bangon Pilipino, Bangon Pilipino ohh

(3rd Verse)
Matatapos din lahat ang ating pinagdadaanan
pinoy tayo likas sating lahat ang katapangan
ang ating panginoon ay di tayo pababayaan
lalo na kapag tayoy nagkaisa para sa bayan
pagsubok pero tayong lahat diyan lumaki
isisigaw ko sa mundong aahon din kami
isang katagang sa inyo ay ipagmamalaki
CORONA VIRUS kalang PILIPINO kami

(Chorus)
Bangon Pilipino wag tayong papatalo kahit anong dumating sa atin na delubyo
sama sama tayo, kapit kapit tayo di tayo patitibag makakabangon tayo

sanay iyong dinggin ang aming panalangin
muli mong ibalik ang kapayapaan sa'min

Bangon Pilipino wag tayong papatalo kahit anong dumating sa atin na delubyo
sama sama tayo, kapit kapit tayo di tayo patitibag makakabangon tayo

sanay iyong dinggin ang aming panalangin
muli mong ibalik ang kapayapaan sa'min

Bangon, Bangon, Bangon, Bangon Pilipino, Bangon Pilipino

WRITERS

EDLOYD C. ADORABLE

PUBLISHERS

Lyrics © TUNECORE INC

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other