LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Angkas na

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Pagsikat ng isang bagong umaga
Panibagong lakbay na ikaw ang kasama
Pagbati ng ngiti mong dala ay pag-asa
Ituloy ang lakbayin na ikaw ang kasama

Lalarga na babyahe na muli
Upang tunguhin pangarap na minimithi
Mahirap ang daan marami man ang hadlang
Basta't kasama kita lahat ay gagaan

Tara na gayak na kaibigan
Sa paglalakbay ko ako ay iyong samahan

Halika na angkas na sa 'king sasakyan (halika na)
Tara na sakay na ako ay iyong samahan
Sabay nating aabutin mga pangarap
Walang bababa lakbayin man ay mahirap

Halika na angkas na ako'y samahan (halika na)
Yakap mo sa akin ay iyong higpitan
Huwag na huwag kang bibitiw
Hanggang sa ating marating
Kamtan ang tagumpay sa ating mga mithiin

Sa ating paglalakbay darating ang takipsilim
Di magiging madali tinatahak na landasin
Sa gitna ng dilim di tayo maliligaw
Pagka't angkas kita aking lakas ang aking ilaw

Tara na gayak na aking mahal
Sa paglalakbay ko ako ay yong samahan oh

Halika na angkas na sa 'king sasakyan (halika na)
Tara na sakay na ako ay iyong samahan
Sabay nating aabutin mga pangarap
Walang bababa lakbayin man ay mahirap

Halika na angkas na ako'y samahan (halika na)
Yakap mo sa akin ay iyong higpitan
Huwag na huwag kang bibitiw
Hanggang sa ating marating

Kamtan ang tagumpay sa ating mga mithiin oh
Tara na angkas na oh

WRITERS

Efren Jr. Medina

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other