LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Batid kong ikaw na nga

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Sa iyong ngiti ako'y nabighani
Di ka maalis sa isip alaala kang palagi
Ang malambing mong tinig sa aki'y parang musika
Sa mahinhin mong kilos ako'y nahalina

Sadyang kay sarap na sariwain
Noong nagsisimula pa lang pagmamahalan natin
Hindi ko maisip at sukat akalain
Na ang isang ako ay iibigin mo rin

Batid kong Ikaw na nga
Ang iibigin ko sa tuwi-twina
Hinding hindi na magbabago pa
Ang pangako ng puso ko sayo

Batid kong sa Iyo na nga
Iaalay ang buhay ko't pagmamahal
Pangakong kailanma'y di ka iiwan
Pagkat batid batid kong ikaw na nga

Marami man hirap na pinagdaraanan
Pangako ko'y sa iyo lamang anuman ang hadlang
Mga kamay mo ay lagi kong hahawakan
Ako'y kasama mo ngayon at kailanman

Batid kong ikaw na nga
Ang iibigin ko sa tuwi-twina
Hinding hindi na magbabago pa
Ang pangako ng puso sa iyo

Batid kong sa Iyo na nga
Iaalay ang buhay ko't pagmamahal
Pangakong kailanma'y di ka iiwan
Pagkat batid

Pagkat batid
Pagkat batid
Batid kong ikaw na nga

WRITERS

EFREN JR. MEDINA

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other