Mga pagod na bisig ni Ama
Sa buong maghapong paggawa
Mga ngalay na balikat hindi alintana
Nagtitiis nag tiya-tiyaga
Mga bitak sa talampakan ni Inay
Yapak ng mga paa sa pagtulong kay Itay
Bitbit ay pag-ibig pag-asa ay taglay
Alay sa mga anak magandang buhay
Salamat sa iyo aking Inay aking itay
Sa pagmamahal na sa akin ay inaalay
Pag-ibig sa akin ay walang papantay
Hindi lilimutin aalalahanin
Hindi lilimutin habang buhay
Sa pangarap mapagtapos sa pag-aaral
Patak ng luha pawis tanging puhunan
Hindi sumusuko pagod man ang kalamnan
Mabigyan lamang magandang kinabukasan
Salamat sa iyo aking Inay aking itay
Sa pagmamahal na sa akin ay inaalay
Pag-ibig sa akin ay walang papantay
Hindi lilimutin aalalahanin
Hindi lilimutin habang buhay
Ngayong mga bisig nyo ay mahina na
Hayaan ninyong ako naman sa inyo'y mag-alaga ah
Salamat sa iyo aking Inay aking itay
Sa pagmamahal na sa akin ay inaalay
Pag-ibig sa akin ay walang papantay
Hindi lilimutin aalalahanin
Hindi lilimutin habang buhay
Hindi lilimutin aalalahanin
Hindi lilimutin habang buhay