LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Kusang Dumating

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Kung dati mag—isa
Ngayo'y natagpuan ka na
Nasa harap ko lang pala

Di ko rin minadali
Mga dasal ay nasagot
At lahat ng baka sakali

Huwag ka sanang mawala

Hindi pala hinahanap
Kasi hindi mo mamamalayan
Sapagkat ikaw ay kusang dumating

Hindi pala pinipilit
Hindi rin minamadali
Ika'y nandito na't
Masaya na ko ulit

Ang dami kong tanong
Sa kabila ng panahon
Ngayo'y may pagkakataon

Di ko muna napansin
Sa dami ng mga layunin
Tila buhay ay bitin

Huwag ka sanang mawala
Hinding hindi magsasawa

Hindi pala hinahanap
Kasi hindi mo mamamalayan
Sapagkat ikaw ay kusang dumating

Hindi pala pinipilit
Hindi rin minamadali
Ika'y nandito na't
Masaya na ko ulit

Sa kabila ng sakit na aking nadama
Kahit paulit ulit, kung sayo papunta
Handang tahakin lahat ng mga dahilan
Basta't patungo sayo ang lahat ng daan

Wag ka sanang mawala

Hindi pala hinahanap
Kasi hindi mo mamamalayan
Sapagkat ikaw ay kusang dumating

Hindi pala pinipilit
Hindi rin minamadali
Ika'y nandito na't
Masaya na ko ulit

WRITERS

Nicholas Cioco, Eliza Jane Guda Maturan, Dominick Minas

PUBLISHERS

Lyrics © Sony/ATV Music Publishing LLC

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other