Dito sa silangan ako isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Ako ay may sariling kulay kayumanggi
Ngunit di ko mapakita tunay na sarili
Ating hahanapin ay matatagpuan
Tayo'y may kakayahan dapat na hangaan
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba’t tayo ay humahanga doon sa kanluran (sa kanluran)
Kung ang ilong mo ay pango
Wag mo na subukang gumaya
Kung di mo rin kaya (kung di mo rin kaya)
Mangopya ka man siguraduhin mong
Mas mahusay sa kinopyahan at matinong-matino (matino matino)
Wag ka na kayang kumopya kasi
Tayo’y mga Pinoy (tayo'y mga Pinoy)
Tayo’y hindi Kano (tayo'y Pinoy)
Wag kang mahihiya (ba't ka mahihiya)
Kung ang ilong mo ay pango (tayo'y mga Pinoy)
Tayo’y mga Pinoy (tayo'y mga Pinoy)
Tayo’y hindi Kano (tayo'y Pinoy)
Wag kang mahihiya (wag kang mahihiya)
Kung ang ilong mo ay (tayo'y Pinoy)