Laging pinangungunahan ng kaba
Nanlalamig ang mga kamay at paa
Di kasi alam kung kaya ko ba na
Sabihin sa'yo tunay kong nadarama
Ngunit takot ang nangingibabaw
Puso kong pilit kang sinisigaw
Nang malaman mo na tunay ang pag-ibig sa'yo
Pero sana'y pakinggan mo ako
At ng nilalaman ng puso kong ito
Nararamdaman ko sa'yo ay tinago
Nang sating dalawa ay walang magbago
Di ko narin inisip na sana'y gustuhin mo rin ako
Kasi alam kong malabo (alam kong malabo)
Nawala lahat ng problema ko sa mundo
Nung biglang may sinabi ka na
Natulala ng malaman kong may iba kang gusto
Ngayong takot na ang umaapaw
Puso ko, ikaw parin ang sinisigaw
Nang malaman mo na tunay ang pag-ibig sa'yo
Pero sana'y pakinggan mo ako
At ng nilalaman ng puso kong ito
Kasi alam ko namang malabo na ang maging tayo
Kahit nasugatan, masaya parin ako para sa'yo
Mananatiling andito para sa'yo