Kapagka tulala at naaalala ka
Paano kung magtagpo tayo muli
At ‘di na ikaw ang nakilala ko
‘Di na ngayon ito ang gusto mo
‘Di na sang-ayon sa ngayon
Ang dating mga pinaplano mo
Sa ‘kin mahalaga lang naman ay
Kapagka tulala at naaalala ka
Hanggang saan ang hangganan
Na ika’y muli kong makapiling
Kasi parang ‘di ko kita kinabukasan na ‘di ka kapiling
Paano malalaman kung ‘di magsasalita
Kaya panay aking tanong kung ano nga ba talaga
Ano ba, ano na, ano tayo ngayon
Pasagot ng tanong kung may oras ka lang
Kahit ‘di mo na sa ‘kin ulit-ulitin ‘to
Gusto ko lang malaman anong totoo
Kasi hindi mo na ako kinikibo
Nalilito ako ano ba aking halaga
Kapagka tulala at naaalala ka
Kapagka tulala at naaalala ka