Aatras o aabante ang ating paglalaro
Inaabangan ang unang tira, ilong na nagdudugo
Nahihirapang alamin kung ano ang iniisip mo
Tatayo o tatalikod, tantsahin ang galaw mo
Umaaaligid ang iyong barkada
Sa larong to walang talo o panalo, tabla tayo
Walang dapat ikatakot walang dapat na itago
Alam kong hangganan mo, alam kong hangganan ko

Lumalaki na ang papremyo, nagmasid na ang mga tao
Sinong matapang sa'ting dalawa sino ang unang susuko
Pagalingan ng galaw, pataasan ng pusta
Habang tumatagal alam ko sa dulo may uuwing luhaan
Sa larong to walang talo o panalo, tabla tayo
Walang dapat ikatakot walang dapat na itago
Alam kong hangganan mo, alam kong hangganan ko
Sa larong to walang talo o panalo, tabla tayo
Wala ng kailangan patunayan, tanggapin ang katotohanan

Di to sugal ng pera, ito'y laban ng loob
Kung sino ang totoo siya ring mananalo sa dulo ng laro
Hindi ka kalaban, sarili ating kaharap
Tabla kung tabla, pero dapat malinaw ang lahat
Hawak ko ang baraha, nasa sa akin kung ibababa
Buong lakas lalo't matapang, mangunguna sa habulan
Kung san tumigil ang laro, dun tayo pareho
Sa gitna ng gulo, pikon lang ang talo