Sinong mag—aakalang napakadali
Lamang kitang malilimutan 'di ako mahihirapan
Buong akala mo ay hawak mo ang puso ko
Mahal kita pero may hanggan pag nasasaktan
Inubos mo aking pasensiya, hirap magtiwala
Puro palusot, sabi nga nila
Isda ay nahuhuli sa bibig ng nagsasalita
Sinabi ko na 'di na pwede dati mong ginagawa
'Kala mo ay masusuyo mo ko sa istilo mong wala nang bago
Kahit ikot ikutin mo ulit ulitin ko sa'yo
Ayoko ng binabalik mapait na alaala
Magsasakitan lang, mga ganyan ay 'di na dapat
'Di ba pa nung una, simula pa
Sinabi kong pagbibigyan lamang kita
Sinong mag—aakalang sa'kin ay madali
Lamang kitang malilimutan 'di ako mahihirapan
Buong akala mo ay hawak mo ang puso ko
Mahal kita pero 'di na ngayon