'Wag mo 'kong paglaruan ('di kita kailangan)
'Wag mo 'kong paglaruan ('di ako laruan)
Parang langit-lupa ako'y 'di mo makukuha
Kahit na ilang beses mong patunayan ang sarili mo
Parang luksong-baka lalaktaw kapag nagsawa
Alam ko na ang galawan mo hindi mo 'ko maloloko
'Di mo ko madadaan sa habul-habulan
Mahirap nang baguhin aking isipan
Isa dalawa tatlo magtatago na sa 'yo
Pagkat ayoko na ako'y paglaruan ng isang tulad mo
Na hindi alam kung pa'no makuntento
Walang dayaan Jack-En-Poy tayo
At siguradong puso ko'y magiging bato
'Wag mo 'kong paglaruan 'di kita kailangan
'Wag mo 'kong paglaruan 'di ako laruan
'Wag mo 'kong paglaruan 'di kita kailangan
'Wag mo 'kong paglaruan 'di ako laruan
Parang tumbang-preso ikaw raw ay asintado
Dami-daming kakilala kong pinaasa at iniwan mo
Parang patintero masyadong agresibo
Kahit ano pang galawan mo hindi mo 'ko maloloko
'Di mo ko madadaan sa habul-habulan
Mahirap nang baguhin aking isipan
Isa dalawa tatlo magtatago na sa 'yo
Pagkat ayoko na ako'y paglaruan ng isang tulad mo
Na hindi alam kung pa'no makuntento
Walang dayaan Jack-En-Poy tayo
At siguradong puso ko'y magiging bato (uh yeah)
Bilin sa'kin ni nanay at tatay (uh yeah)
'Wag mo daw kainin ang regalo mong tinapay (ayy woo)
Sabi ko 'wag silang mag-alala (ayy)
Ako'y natuto na 'di papabiktima (ayy)
Sabi ng lahat ikaw ay matinik (uh ayy)
Lulundag ako na para bang luksong-tinik (ayy ayy)
Oh pen-pen de sarapen (sheesh)
Pagkat ayoko sa ugali mong batuten
Isa dalawa tatlo magtatago na sa 'yo
Pagkat ayoko na ako'y paglaruan ng isang tulad mo
Na hindi alam kung pa'no makuntento
Walang dayaan Jack-En-Poy tayo
At siguradong puso ko'y magiging bato
'Wag mo 'kong paglaruan 'di kita kailangan
'Wag mo 'kong paglaruan 'di ako laruan ('wag mo 'kong paglaruan)
'Wag mo 'kong paglaruan 'di kita kailangan
'Wag mo 'kong paglaruan 'di ako laruan