May kumakalat na karamdaman sa paligid
Sabi nila pagka tinamaan ka iinit
Hala ka ayan na hindi mo ba makita
Hindi namamalayan na padahan-dahang may nag-iiba
Huli na at ‘di na mapigilan
Tuluyan nang nagbago ang aking nadarama
At ‘di ko alam ‘di ko alam kung pa’no nga nangyari
Ba’t ikaw na lang ikaw na lang ang nasa isip ko
At wala na bang magagawa sa ganitong karamdaman
Delikado na ang nadarama sa ’yo
‘Di ko inisip na mahahawa pa ako dito
Pero nakita kita at walang tumalab na gamot
At ‘di ko alam ‘di ko alam kung pa’no nga nangyari
Ba’t ikaw na lang ikaw na lang ang nasa isip ko
At wala na bang magagawa sa ganitong karamdaman
Delikado na ang nadarama sa ’yo
Sana kumalat pa ang karamdamang ito
Sana mahawa ka para pareho tayo
Sana kumalat pa ang karamdamang ito
Hindi ko nga alam kung pa’no nga nangyari
Ba’t ikaw na lang ikaw na lang ang nasa puso ko
At wala na nga talagang magagawa sa karamdaman
Ikaw lang ang ikaw lang ang sagot
Ikaw lang ang ikaw lang ang gamot