Pag-ibig na hindi namamalayan
Pag-ibig na hindi man lang mapagbigyan
Pag-asang nakatali sa kaibigan
At nararapat bang aminin ko
Magagawa pa bang ayusin pa
Pagkat sa oras na malaman mo
Unti-unti nang may mawawala
At sana nga bigla na lang malaman mo
Hindi na rin magugulo ang isip ko
Kasi sa totoo lang ay ayoko na
Pagkat ayoko nang isipin pa
At nararapat bang aminin ko
Magagawa pa bang ayusin pa
Pagkat sa oras na malaman mo
Unti-unti nang may mawawala
Kailangan mong malaman na hindi ko ginusto
At pilit kong sinubok na limutin ang damdamin ko
At kahit na ayoko sanang mahulog sayo
Ikaw pa talaga at pag hindi ko pa sinabi to
Palagi lang mapapaisip pa
At baka mas lalo pang ibigin ka
Oh baka mas lalo pang ibigin ka