Pinagmamasdan ang bawat galaw
Ng iyong katawan, baka naman
Iyong pagbigyan ang kahilingan na
Ikaw ay dahan-dahang mailakad sa isipang
Puro ikaw lang, ikaw lang (ako na lang, ako na lang)
Hindi ko na rin alam (hindi alam)
Kung nasaanang pinagsamahan (kung nasaan)
Sa bawat baitang na inaakyat
Pagmamahalan ay hindi naging sapat
Ako ay papanhik , ikaw ay pabalik (ikaw ay papanhik, ako ay pabalik)
Tayo'y nagkatagpo ngunit 'di ka na sabik
Malaya ka na (malaya ka na)
Paalam, sinta (paalam, sinta)
Hindi kaya ika'y umaasang maipadama
Ang bungad ng pintuan at malawak na isipang
Puro ako na lang, ako na lang (ikaw na lang, ikaw na lang)
Kung bakit ka nagkaganyan
Hindi ko na rin alam (hindi alam)
Kung nasaan ang pinagsamahan (kung nasaan)
Sa bawat baitang na inaakyat
Pagmamahalan ay hindi naging sapat
Ako ay pabalik (ikaw ay pabalik), ikaw ay papanhik (ako ay papanhik)
Tayo'y nagkatagpo ngunit 'di na 'ko sabik
Malaya ka na (malaya ka na)
Paalam, sinta (paalam, sinta)
Paalam na sa ating alaala
Paalam na kahit na mahal kita
Paalam na sa ating alaala
Paalam na kahit na mahal kita
Paalam na sa ating alaala
Paalam na kahit na mahal kita
Paalam na sa ating alaala
Paalam na kahit na mahal kita