'Di na ako ang panalangin mo
'Di na ako ang laman ng araw mo
'Di na ako ang ikot ng iyong mundo
'Di na ako ang tinatawagan mo
'Di na ako ang pinaglalaban mo
'Di na ako ang litratong dala mo
Araw-araw 'di maiwasan ang alaala mo
Sa gabi hinahanap-hanap ang tamis ng labi mo
O ako'y nakayapak sa nilalakaran ko
Ang sakit mula talampakan hanggang sa puso ko
'Di na ako ang nasa liham mo
'Di na ako ang kasiyahan mo
'Di na ako ang dahilan ng lakas mo
Bawat segundo ay kilabot pag nasa piling mo
Binti'y naninigas habang tumatayo ang balahibo
O punong-puno ng alak ang sikmura ko
Umaasang malilimutan ang pag-ibig mo
'Di na ako ang pangarap mo
'Di na ako ang inaasahan mo
'Di na ako ang laging tinatakbuhan mo
Sa pag-gising ika'y nangunguna sa isipan ko
Sa panaginip sinusulit ang higpit ng yakap mo
O ako'y nakadapa sa isang pangako mo
Naghihintay, umiiyak, habang nasisinto