LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Paglisan

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Bakit ba kailangan na
Masaktan ang puso kong ito sa iyong paglisan
Hapdi ang s'yang naramdaman
Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
Dahil ba sa huli na ang lahat sa iyo'y paalam

Sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan
Na ngayon ko lang naramdaman at aking naranasan
No'ng umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat
Tinatanong sa 'king sarili kung hindi pa ba sapat
Ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo
Bakit kailangan mangyari pa ang mga ganito
Pilit na inaalala mga bagay na nangyari
Sa 'king puso at sa isip kalungkutan ang naghari
At naghiwalay tayo na 'di man lang nakapag-usap
Hanggang sa huling sandali wala nang pangungusap
Na lumalabas sa labi mo na gusto kong malaman
Kung bakit nagkagan'to at bakit mo 'ko iniwanan
Dahil ba sa sabi-sabi at mga bali-balita
'Di mo na 'ko tinanong at tuluyan kang naniwala
Sinira mo ang tiwala at ako'y tinalikuran
Bakit kailangan kong masaktan sa iyong paglisan

Bakit ba kailangan na
Masaktan ang puso kong ito sa iyong paglisan
Hapdi ang s'yang naramdaman
Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
Dahil ba sa huli na ang lahat sa iyo'y paalam

Naghiwalay tayo na kapwa may samaan ng loob
At 'di man lang ako nakaangat sa aking paglubog
Hanggang sa huling sandali 'di man lang nakapagpaalam
Katagang nais sabihin 'di ko man lang nabitawan
Na sana'y mag-iingat ka sa lahat ng sandali
'Di na 'ko muling hahabol at magbabakasakali
Na maibalik ang dati at makapiling sa t'wina
Ang isang katulad mo 'pagka't wala na ngang pag-asa
At hindi talaga tayo ang itinakda ng Diyos
Kaya ang pagsasama natin ay maagang nagtapos
Bakit kailangan ko pang masaktan sa iyong paglisan
'Di ko lubos maisip ba't gan'to ang kapalaran
Bago magtapos ang awit ko sana'y malaman mo
Na wala na akong ibang inibig kung 'di ang katulad mo
Ngayong tapos na ang lahat pati ang awiting kong ito
Salamat sapagka't naging bahagi ka ng buhay ko

Bakit kailangan humantong sa hiwalayaan ang lahat
Ang nangyari sa relasyon natin hindi ko matanggap
Hindi ako nagkamali at nagkulang sa 'yo sinta
Ngunit ano'ng isinukli iniwan mong nag-iisa

Bakit ba kailangan na (walang pagsidlan ang saya no'ng makilala ko ikaw)
Masaktan ang puso kong ito (ngunit lahat ay nagbago noong ikaw ay bumitaw)
Sa iyong paglisan (tanggap ko na kung 'di ka sa akin ikaw ay sa kanya)
Hapdi ang s'yang naramdaman (mahal kita pero 'di tayo para sa isa't isa)
Hindi na ba maibabalik (kung kaya ko lang pahupain ang nadaramang ito)
Ang lahat ng ating nakaraan (ngunit 'di ko kayang itakwil na lang ang pag-ibig mo)
Dahil ba sa huli na ang lahat (kasi sobrang mahal kita 'yan ang pakatandaan mo)
Sa iyo'y paalam (at minahal kitang lubos nang higit pa sa buhay ko)

Yeah yeah oh oh

WRITERS

REYMOND RIVERA

PUBLISHERS

Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Share icon and text

Share

See A Problem With Something?

Lyrics

Other