Sa mata ko masama ka pero umaasa
Ka pa rin na tayong dalawa'y merong pag-asa
Nung nangangapa sa dilim no'n ay nasa
Dilim ka rin pala kamay mo ang nakapa ko
Sana'y handa ka na punasan mga sugat (mga sugat)
Sana kasabay kang kumain ng hapunan (ng hapunan)
Sana sa katulad ko'y hindi ka matauhan (matauhan)
Ay mananatili ka pa rin ba sa aking tabi sa aking tabi
Mga matang nakapiring 'di mapakali (di mapakali)
Balita ko ay lasing ka daw kagabi (lasing ka daw kagabi)
Pilit mo na tinitiis lahat ng hapdi
Ako ba ay manhid na (manhid na)
Ang sabi mo manhid ka (manhid ka)
Bilib din ako sa 'yo natitiis mong manatili
Sa dami ng lalake ako pa ang 'yong napili
Sabagay ay hindi rin naman kita masisisi
Kung mas ligtas ka sa tabi ko ang iyong iniisip
Para kang anghel na naligaw
Sa impyerno pero sana 'wag kang bumitaw
At kung magigising ka na sa katotohanan
Ay makikinig ka pa rin ba sa sigaw
Ng iyong damdamin para sa 'kin
Ay magiging gano'n pa rin ba
'Yung mga hangarin natin ay 'di na rin ba titimbang
Mukhang pera man pero mahalaga ka sa 'kin
Iba man kasama ikaw naman ang dalangin
Hindi ka pulis kaya hindi takot umamin
Ano pa bang gusto mong malaman sa 'kin
Ay mananatili ka pa rin ba sa aking tabi (sa aking tabi)
Mga matang nakapiring 'di mapakali (di mapakali)
Balita ko ay lasing ka daw kagabi (lasing ka daw kagabi)
Pilit mo na tinitiis lahat ng hapdi
Ako ba ay manhid na (manhid na)
Ang sabi mo manhid ka (manhid ka)
Mananatili ka pa rin ba sa aking tabi (sa aking tabi)
Mga matang nakapiring 'di mapakali (di mapakali)
Balita ko ay lasing ka daw kagabi (lasing ka daw kagabi)
Pilit mo na tinitiis lahat ng hapdi
Ako ba ay manhid na (manhid na)
Ang sabi mo manhid ka (manhid ka)