Patuloy lang sa paglakbay
Di na nga hihinto(hindi namin akalaing may mapapala pinagpatuloy lamang namin ang paggagala)
Dami ko na nga rin naranasan mga dinaanan
Nalagpasan na walang inasahan tanging ako lamang
Dati lubos na nahihirapan buti naagapan
Nagsimula dito sa kalupaan byaheng kalawakan
Niyakap ang sarili at buong daigdig
Kahit anong karamdaman pa ang bitbit
Sige lang humithit wag ka lang manggitgit
Hanapin mo sarili para di ka malito di ka mabigo
Kahit na sinanay na ng mundo sa gulo
Malayo parin ang tinatanaw ng kamalayan kong uhaw
Nagising nalasing sa kakatitig
Sa aking pangarap baka mapaibig
at makuha sa tingin pero hindi rin
Gusto ko lang makarating doon sa malayo
Makaakyat doon sa taas kahit mukhang malabo
Nagpapatuloy kahit na lahat 'to di plinano
Nagpakatotoo hanggang sa buhay ko magbago
Patuloy lang sa paglakbay
Di na nga hihinto (hindi namin akalaing may mapapala pinagpatuloy lamang namin ang paggagala)
Dami kong gusto ipamahagi sapagkat
Alam kong di naman permanente ang lahat
Diko pa matukoy kung ano ang pamagat
Pero ang alam ko buhay ko ay alamat
Kung ito'y panaginip yeah dina gigising
Bawat minuto'y sulitin kasi dina mauulit (yeah)
Walang balak huminto mula nung umpisa
Sanay nako na mag-isa wag ka mag-alala
Palagi man nadarapa aking mga paa
Hindi parin ako tumigil sa paggagala
Oo naglakbay ako na mag-isa walang ka-akbay
Diko man kabisa ang ginagalawan diniretso parin kahit sumablay
Ang alam ko lang di ako perpekto
Di ako kagaya ng inisip mo pasensya
Minsan nilalamon ng sarili kong konsensya
Yung presensya ng sarili kong nakikikompetensya sa iba
Itong nadarama paubaya nalang sa taas kay ama
Itong nadarama paubaya nalang sa taas kay ama
Patuloy lang sa paglakbay
Di na nga hihinto (hindi namin akalaing may mapapala pinagpatuloy lamang namin ang paggagala)
Di na nga hihinto (hindi namin akalaing may mapapala pinagpatuloy lamang namin ang paggagala)