LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Kwentuhan

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Yo
Kung alam mo lang ang pinagdaanan ko
Para lang maayos sa sarili ko
'Di naman sa pagiging emosyonal
Pero grabe

'Di ko akalaing magkakaganto
Takbo ng isipan at ng buhay ko
Parang dati lang ay nasa hukay na
Pero buti tinuloy ko pa rin hilig ko

Ngayon dama na nila yung himig ko kilala na tinig ko
Lagi sumasagi sa isipan ko
Nasa'n kaya ako kung 'di ko ipinilit 'to

Malamang nando'n pa rin kalsadang malagim
'Di pa rin alam kung anong gagawin
Gagawin lahat para 'di masaid
Galaw ilegal kahit na masakote

Paboritong usok ay yung nasa bote
'Di na mahalaga kung nakakabuti
Kailangan ko lang nang makakapitan
Sa tuwing naliligaw aking isipan

Yeah 'di nila alam itinaya ko
Buhay ko para ulit makapagsimula
Patunay 'to na pwede pa ring merong mapala
Isip na paikot-ikot dati't napariwara yeah

'Kala ko noon ay mawawala
Ko ng maaga sa mundo dalas mag-alala
Buti na lang ay malupit pa rin na magdala
Kahit na bigat palagi ang aking dinadala

Bitbit ko pa rin yung gigil kahit na ngayon nandito na
Sipag tiyaga na tila parang nagsisimula
'Di na pwedeng umayaw buhay na ang itinaya
Kahit daming suliranin 'di pa rin ako nagpabaya
Salamat sa mga taong sa'kin ay tumaya
Nung mga panahon na ako pa ay walang-wala (yeah)

Bago ako makilala (yeah)
Bago ako makilala pagkatao ko ano ba dati
Sino-sino mga kakilala ano paborito kong gawain
Sino ba ang naging kadikit nakasama sa hirap man o sakit

Ang lahat 'di ko pa nakalimutan
Makinig saglit sa kwentuhan
Mga batang palaboy lang nung una pero naging milyonaryo
Yung lugar ko dyinadyaryo
Sa kanto nakikipag-rayot kami madalas sa mga hayop

Paikot-ikot sa kalsada sa labas-loob
At habang napapasarap lahat hindi namamalayan
Yung kasalanan ay dumadagdag bigat na parang
Sobra na kayo kailangan nyo nang pagbayaran yeah

Magkasunod na taon magkasunod na kaibigan
'Di ko alam bakit ganon simula no'n ay pinag-isipan
Ang hakbang palayo pati ang plano
Sakay na ng eroplano

Bitbit ko pa rin yung gigil kahit na ngayon nandito na
Sipag tiyaga na tila parang nagsisimula
'Di na pwedeng umayaw buhay na ang itinaya
Kahit daming suliranin 'di pa rin ako nagpabaya
Salamat sa mga taong sa'kin ay tumaya
Nung mga panahon na ako pa ay walang-wala

WRITERS

Chodri Pableo, Rino Ibanez, Genesis Lago, Guddhist Gunatita, Nateman -

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

From This Artist