Alam ko naman na wala nakong mababalikan
kaya kung nasan man ako ngayon ginagalingan
mga pangaral nila sakin na diko natripan noon, ngayon unti unti konang naintindihan
siguro nga tama si nanay, kailangan kong masanay na mabuhay ng mag-isa kasi hindi palaging may karamay, ka-agapay sa bawat sandali biyayang tunay, maswerte kung loloobin bago mapuntang hukay
pasensya na ama't ina kung di ko nagawa yung mga pangarap niyo sakin na aking niluwa, masyadong napa-aga lang siguro't napariwara ang kaluluwa kong gusto lang namang may mapala
gustong mabuhay ng malaya, nilamon ng mga maling akala, akala ko noon mali sila tamang hinala sa paligid ko, puro sarili ko nalang ang ini-isip ko, di ko alam lunod nako sa kasisid ko, buti nalang nasalba pako nitong hilig ko buti nalang
hindi rin madali puro pagkasawi
buti nakabalik parin naka-uwi
may pag-asa pa ang gaya kong minsang ligaw
may pag-asa pa hangga't tayo'y humihinga
aminado na tinatablan parin ng lumbay, kahit naba na papalapit na sa tagumpay,
pinaka malaki na takot ko ngayon sumablay, lalo na't napakarami nang nakasubaybay
pero kailangang magtiwala, kung di man sa tadhana kay bathala, iwasan nang maging tamang hinala, lahat tayo'y pinagpala, kung di ka sasang-ayon kaw bahala, alam mo na yan di kana rin bata
masasabi ko lang tapos nako malibang sa mga bagay nagdulot lang nang pagkahibang, gusto ko nang kuminang na parang tala at buwan nagsisilbing liwanag sa paligid na maginaw
hindi rin madali puro pagkasawi
buti nakabalik parin naka-uwi
may pag-asa pa ang gaya kong minsang ligaw
may pag-asa pa hangga't tayo'y humihinga