LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Palabas

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Nandito ako sa labas gumagawang daanan palabas
Sa buhay na puro lang palabas
Madalas na madulas normal yan pag ang ruta pataas
Wag kang mauubusan ng lakas

Daming parating na hamon di na gaya ng kahapon
Na merong ma aasahan ang sarili sa paglamon
Sa plano ko nag pag ahon sana nama'y sumang ayon
Ang bathala sa taas kung 'di man sige padayon

Patibayin ang sarili pagkat ikaw ang siyang haligi
Sa tahanan na naka abang sayong sarili
Walang masama sa pag galaw nang patago
Gulatin mo lahat sila lumabas ka ng malago

Sa mabuting paraan suliranin palagan
Gamit ang yong kamalayan kahirapan kalagan
'Di pwedeng 'di talaban normal lang makaramdam
Ng puot at kalungkutan ang gaya mong palaban

Palag palag sa buhay ikaw ang magpatunay
Sayong paligid na ang mundo natin ay makulay
Pag ibig lang ang tunay sa ating pagkabuhay
Kapag wala ka non para ka na ring nasa hukay

Sanay na sa putik ang mga paa
Kagubatan na liblib baybaying walang kaba
Anong nadarama mo tuwing nag iisa
Malungkot o masaya o parang paralisa

Tama lang na pag isipan mo ng maigi
Bago ka bumigkas gamit ang yong labi
Ayos lang magsisi wag ka lang manisi
Pagkat lahat ng yan sayo nakadepende

Anuman ang desisyon ay naiipon ang bakas
May aral at leksyon sa mga sitwasyong danas
Iba't ibang misyon sa pagpili ng landas
Kanya kanyang direksyon sa sariling palabas

May iba na patakas may ilan ding nakatago
Tila tumatak ang mga pilat ng kahapon
Imbis na lumakas ay mas naging ilag sa hamon
Kaya 'di na maharap pa ang mga kinakatakot

May ilang 'di na umabot pakiramdam ay may mali sa kabanata parang malas at sawi
Silang 'di na kinaya ang bigat ng pighati at mas pinili na lang na ang wakas ay mapadali

Mga namayapang 'di na sana masundan
May kaybigan at tahanan malakas man ang ulan
Palaging paalala na may matatakbuhan
At sa sinumang kasama sana malabas mo yan

Hirap mapag isa na parang katatakutan
Maibsan nawa ng tawa ang iyak ay mapunan
Para wala nang masama pa na kahantungan
Ang mga nakatagong drama na siyang dapat aksyunan palabas

WRITERS

homas Lynmu, Rino Ibanez, Genesis Lago

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

From This Artist