Bakit parang ako lang ang kalaban ko?
Lahat ng sigaw, nasa loob lang ng ulo ko
Humihinga pa, pero ubos na
Para akong gising na hindi naman talaga
Araw-araw, pareho lang ang giyera
Ako 'yung bala, ako rin 'yung bangkay sa dulo
Pero saan kung utak ko ang kulungan ko
Naliligaw sa sariling isip
Hindi ko na alam kung alin ang totoo
May araw ba talaga sa dulo ng dilim?
O ako lang 'to, umaasang may sagot sa tanong kong gulo?
Pinipilit ngumiti habang gumuho
Parang papel na basa, wala nang hugis, di na buo
May mga tunog na walang pinagmulan
Mga luha na hindi alam kung kailan nagsimula
Naliligaw sa sariling isip
Hindi ko na alam kung alin ang totoo
May araw pa ba talaga sa dulo ng dilim?
O ako lang 'to, umaasang may sagot sa tanong kong gulo?
Sana may gamot sa ganitong pagod
'Yung tahimik, pero sigaw pala ng pagod
Sana may yakap na hindi tanong
Kundi sagot sa pagkalito kong walang kahon
Naliligaw sa sariling isip
Hindi ko na alam kung alin ang totoo
May araw pa ba talaga sa dulo ng dilim?
O ako lang 'to, umaasang may sagot sa tanong kong gulo?
Sa isip ko, may bagyong walang ulan
Naglalakad sa apoy pero ako lang ang nasasaktan
Kung ito ang laban, tanggap ko na yata
Na minsan ang talo ay hindi makita ng