Nagbabadya ang mga matang
Nalinlang ng mga pagsubok
Hindi ko na dapat pa tinangka
Na ang mga bunga ay hilaw
Humuning parang pipit na para bang
Kahit kumupas ay mangungusap
Ngunit hindi 'yan ang panglunas
Nananatiling pagkamangmang
Kung susubok ka mang utas
Nararapat lamang na mag-aral
Mga pasaring ko'y kumaliwa
Hindi na dapat intindihin
Sapat na nga bang marinig,
Na umaapoy ang bawat habi
O kabuluhan niyo ay wala?
Imbis dyamante ang maakit
Mga pasaring ko'y kumaliwa
Hindi na dapat intindihin
Sapat na nga bang marinig,
Ay para mo na ring sinabing
Na umaapoy ang bawat habi