LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Ilusyon

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Hindi mo ba naririnig ang aking tinig (ang aking tinig)
Sana pakinggan kahit di ka na nakikinig

Ey

Ilang araw lumipas nung huling nagkita
Nakatambay sa ulan upang hindi makita
Mga luha na pumapatak galing sating mga mata
Humihingi ka ng paalam dahil napagod na sa

Biyahe nating humahaba araw araw
Ni hindi na nga natin mabilang mga panahon na
Puro away puro hangin at sigawan lang
Gusto nang mamahinga dahil mahal pa rin kita

Kilala na nga kita
Ikaw tipo nang anghel na nahulog sa isang taong
Masama kung titignan pero bukal ang kalooban
Mawalang galang na po gusto ulit kita

Mahawakan makapiling kahit sandali (yeah)
'Wag ka nang mag alinlangan wag rin mag atubili
Hindi na bali hindi na bali (yeah)
Hindi nabali pagtingin ko sa iyo yeah

Yeah
Hindi ko maikakaila
Kasi gusto pa rin kita
Yeah
Hanggang maumay at magsawa
Dahil ilusyon lang ang lahat

Yeah

Pwede bang humirit pa ko ng isa
Kung di na kaya ay sa susunod na lang magsama sa
Ilalim ng kumot tayo nakahiga sa kama na malamig
Habang nakadantay
Sa iyong bewang ang brasong di ka papakawalan (sa iyong bewang)
Halika na dito at gusto na ulit mahagkan

Ang katawan mong sobrang kinis mala Catriona
Samahan ng maamong mata at labi mong namumula
Babalutin ka sa yakap na mahigpit sobrang init
Ng tinginan di maiwasan kiligin

Magkaharap na tayo dito sa silid
Pero bakit may hadlang na umaaligid (yeah)
Biglang nagising na lang sa katotohanan
Sa panaginip na lang pala masisilayan

Yeah
Hindi ko maikakaila
Kasi gusto pa rin kita
Yeah
Hanggang maumay at magsawa
Dahil ilusyon lang ang lahat

Hindi mo ba naririnig ang aking tinig (ang aking tinig)
Sana pakinggan kahit di ka na nakikinig

Yeah
Hindi ko maikakaila
Kasi gusto pa rin kita
Yeah
Hanggang maumay at magsawa
Dahil ilusyon lang ang lahat

WRITERS

Himig Austin Borja

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other