Paano ko ililihis ang pagtingin ko sa iyo?
Kung daratnan mo 'kong nag-iisa
Naninimdim at yakap-yakap ng dilim
Ng tulad ko na miserable’t kay tagal nag-iisa?
Ang pagdating mo’y para bang tagpo
Sa teatrong ako ang nando’n sa gitna
Ang buhay ng isang katulad kong
Anong isusukli ko sa iyo?
Halos ituring kong huli na
Hanggang biglang nandyan ka na
Kung pa’no mo ‘ko naangkin
Sa ‘yong angking-angking talim
Kapag mata mo’y nagningning
At kung ang tinig mo’y dinggin
Ako’y lasing nananaginip nang gising
Naisalba ang kaluluwa ng tulad kong litong-lito
Tapos na rin ang panahong
Iyon ay dahil sa inibig mo ako
Ang buhay ng isang katulad kong
Anong isusukli ko sa iyo?
Halos ituring kong huli na
Hanggang biglang nandyan ka na
Anong isusukli ko sa iyo?
Halos ituring kong huli na
Hanggang biglang nandyan ka na
Hanggang biglang nandyan ka na
Hanggang biglang nandyan ka na