Hindi ko nga sinasadyang ako'y mahulog sa iyo
Ngunit kung bibitawan din naman, sana ay di na lang sinalo
Puso'y nagdurugo Nagdurusa, lumuluha
Buhat nang mawala ka ay tulirooo, tulirooo
Kasalanan ko ba na Sayo ako'y nakadama
Ng kasiyahang di ko nakita sa iba
Bat mo ba pinagdamot na mahalin kita
Di mo ba nakita sa aking mga mata
Kung gano kahalaga ang tulad mo sa buhay ko
Oh bakit ba kung sino pa ang nagmamahal ng lubos
Ay siyang nakakadama ng pait at sakit sa puso
Masdam mo ang aking mga mata at sagutin aking tanong
Kasalanan ba (kasalanan ba?) ang ibigin ka
Ang di ko lang maintindihan Kung pano nagawang saktan
Sa kabila ng mga inalay ko sayo Mali ba ang isang pag-ibig na totoo
Ngayoo'y nalilito, nagtatanong
Kung saan nga ba nagkamali akooo
Ang mahalin ka, at buong oras sayo ay ibuhos
Lahat ng gusto'y pinagbigyan, sinunod kung anuman ang utos
Lahat ng to'y sakit ang naidulot, sugat sa puso ang naging marka
Ngunit sa kabila ng lahat, di ko pa rin magawang sisihin ka
Inibig ka ng walang alinlangan, pinadamang ikaw ang kailangan
Pinaniwalaang, ikaw at ako ang tinakda ng kapalaran
Ngunit bakit nga ba, pagdating sa dulo ay naging bigo
Ang ibigin ka, ngayon sabihin mo mahal kung mali nga ba ito
Ooooh minahal kita ng higit pa sa buhay ko
Ngunit bakit ito ang sinukli mo
Ano bang nagawang kasalanan Sayo
Oh bakit ba kung sino pa ang nagmamahal ng lubos
Ay siyang nakakadama ng pait at sakit sa puso
Masdan mo ang aking mga mata at sagutin aking tanong
Kasalanan ba (kasalanan ba?) ang ibigin ka