Daming oras pero laging bitin
Binaliw sa paraan na sobrang ganda kaya gusto na lagi tumingin
Lam ko naman na ramdam mo na din
Parang dati lang hindi mo ko bet
Dami pa na gusto na mangulit
Yung dati na tropa na tawag mo
Sabi mo bat di ko ma gets
Salita mo na magkakadikit
Sayo na gustong sumubok ulit
Ng makalimutan na yung sakit
Kumpyansa yung laging dala
Palaging nangungumbida yung ngiti mo na sobrang tamis pag kasama ka na
Yung sulat na di sa kantahan bumida
Wag mo isipin na puro lang bola
Yung mga sana ko sayo sana maging sana mo sana
Di na nag iisa pa-ngako kasama mo na
Sa hirap pa man o ginhawa
Bakit ka naman nagtataka pa-laging sayo enerhiyang dala
Di ka naman naging pangalawa
Ugali ko nga daw na sobrang iba-ko sa kanila
Sabe pa nga nila wag kang tanga
Pinilit yung taong ginusto mo na
Ideyang nilatag, oh sige tara
Di na kailangang magpaganda pa
Sayo nanggaling, bat nga ko umamin
Kahit di sabihin, gusto ka kapiling
Hindi ko naman hinangad na isipin na maging alipin
Malayo na nga to sa dati, ang daming nasabi
Lam mo naman na ikaw lang palagi, sumama sa byahe
Ng buhay ko na ikaw lang yung babae na hanggang ngayon na hindi ko mawari
Mga bagay na ayaw mo mangyari
Nakaraan mong iniwan sa ere, oh sakin ka pwede maging kumportable
Sayo din naman to nakadepende diba
Lagi mo na ko nginingitian
Lam mo na di ka mahihindian
Yung tama na dale kahit na sinabi yung doobie na di pa nasisindihan
Ugali mo na di pangkalahatan
Kahit sino na sumubok pa diyan
Nasabe mo na sobrang angas naman
Galawan ko na di malalamangan
Sobrang kinang sa buhok na pula
Ayoko naman na nagtataka ka
Dahil sobrang grabe na yung kaba
Patapos na yung mensaheng dala
Kahit ano pang sabihin nila
Di na ulit pa magiging tanga
Sayo tumama lalaking suma-saya kapag nga kasama kita