Pakinggan ang aking awitin ito'y para sa inyong lahat
Aking ibabahagi mga kaalaman at mga dapat
Na gawin para ang sunog ay ating maiwasan
Unang una sa lahat kung ika'y nagluluto iyong babantayan
I- unplug mga appliances, gadgets, kung ito namay hindi ginagamit
Jumper, bawal yan, wires dapat standard ang nakakabit
Huwag ninyong hayaan mga bata o anak ay maglaro nang apoy o posporo
Ipaliwanag masunogan ay hindi biro
Maiiwasan ang sunog ay mapipigilan
Kung ikaw ay may wastong kaalaman
Ang gasol, I-check niyo palagi baka may leaking na ito
Huwag basta, basta itapon sa kung saan ang yosi mo
Panatilihing, laging madadaanan
Walang nakaharang sa inyong exit
Kung may sunog, tumawag ka agad sa fire station na pinakamalapit
At kung sakali man, ang katawan mo ay nasusunog
Huminto, dumapa, at gumulong
Huwag na huwag kang magpapanik
Maiiwasan ang sunog ay mapipigilan
Kung ikaw ay may wastong kaalaman
Ito'y iilan lang sa mga dapat gawin
From the Bureau of Protection, makinig ka samin
To save lives and properties, yan ang sinumpa ang tungkulin
Buhay'y ipagsasapalaran, babanat, kahit alanganin Re-responde, kahit ano mang oras, ring the bell, rock and roll, nozzle ang armas, pag narinig ang wang-wang lahat tabi-tabi firemen on the way
Maiiwasan ang sunog ay mapipigilan
Kung ikaw ay may wastong kaalaman
Ito ay mapipigilan ang sunog ay maiiwasan