LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Hindi Ikaw

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Wala ka na saking tabi
Pati na rin ang 'yong halik
At atin nang isinantabi
Iba na ang kasama mo sa paguwi
Hindi ko maitatanggi
Minahal ka at hindi na nagwagi
Bakit nawala ka sa aking tabi
Ako'y nangungulila sa iyong ngiti

At sa tuwing nakakasama
Lahat ng ito'y wala na
Lumala aking problema
Nawala na ang aking ligaya
Hanap ang isang diwata
Pero siya'y naging malaya
'Di na dumating ang tulad mo
At wala na ngang iba

'Di na ko mapakali
Gustong ibalik ang bawat sandali
Hindi na ikaw ang minahal muli
Dinurog mo lalo puso kong sawi

Ngayon nasabi ko na kung ano talaga ang aking nadarama
Na dating masaya sa'yo pero ngayo'y ako ay nadudurog na
Halos dumating sa punto tayong dalawa ngayon ay nawala
Pilit kalimutan ka kahit sa puso ko ikaw ang natira

At sa tuwing nakakasama
Lahat ng ito'y wala na
Lumala aking problema
Nawala na ang aking ligaya
Hanap ang isang diwata
Pero siya'y naging malaya
'Di na dumating ang tulad mo
At wala na ngang iba

'Di na ko mapakali
Gustong ibalik ang bawat sandali
Hindi na ikaw ang minahal muli
Dinurog mo lalo puso kong sawi

'Di na ko mapakali
Gustong ibalik ang bawat sandali
Hindi na ikaw ang minahal muli
Dinurog mo lalo puso kong sawi

WRITERS

jbelga, John Armando M. Belga, Allan Benavides Jr., Allan Benavides

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other