Ikaw lamang sa aking tabi
Ika'y kapiling at ayokong umuwi
Mahal kita mula umaga at gabi
Ayokong mawala ka sa aking tabi
Ako'y nangungulila sa iyong ngiti
Ang buhay na puro problema
Ngunit bat ngayo'y lumiligaya?
Sa tulad mong mala—diwata
Na darating bigla ang tulad mo
Nais makapiling bawat sandali
Ikaw ang nagturong magmahal muli
Binuhay mo ang puso kong nasawi
Hindi ko lang mawari kung ano talaga ang aking nadarama
Ngunit hindi mo lang alam kung gaano ba ako sa'yo sumasaya
Kahit dumating ang panahon na tayo man ay biglang mawala
Kahit anong mangyari, di ako hahanap ng iba
Ang buhay na puro problema
Ngunit bat ngayo'y lumiligaya?
Sa tulad mong mala—diwata
Na darating bigla ang tulad mo
Nais makapiling bawat sandali
Ikaw ang nagturong magmahal muli
Binuhay mo ang puso kong nasawi
Nais makapiling bawat sandali
Ikaw ang nagturong magmahal muli
Binuhay mo ang puso kong nasawi