Handang kumayod kahit kanin ay tutong
Na lamang ang natitira pero bakit may bulong
Parin sa bawat tenga ang sabi ikukulong ka raw
Pag di nag bayad ng maayos na buwis
Wala silang pake kahit na mag pawis-pawis
Kasi sa bawat sahod mo ang pera mo'y numinipis
Habang sakanila nama'y nag uumapaw yung tamis
Diko maintindihan kung bakit pag umuulan
Lagi-lagi nalang kaming nag bubuhat ng upuan
Lubog na nga sa utang tas lubog pa sa baha
Ang mga plano nyong pangako tapos di nyo ginawa
Tapos kayo'y maniningil nanaman
Na para bang walang nangyari hay ano ba yan
Iisa lang ang sagot kapag kayo'y kinekwestyon
Solusyon (i invoke my right against self-incrimination)
Etong sayo etong sayo etong sayo
Kung tutuusin wala pa to sa kalingkingan ng kinakailangan nyong maramdaman
Mga proyekto sa lansangan
Hanggang ngayo'y palpak parin
Bakit patuloy sa pag punas
Ito na ba'ng ating landas
Nagnakaw lang bigas agad nang kinulong
Samantalang yung mga gahamang may gintong bubong
Nakakalaya sa sala sa pasimpleng pabulong
Tamo ngayon galit na mga tao
Papanong di mangyayari wala namang nag bago
Trilyones ang ninakaw nyo sa mga pinoy
Wag kang magtataka kung susunod naman ay apoy na ang ibabato
Kakailangan nyo sandaang mekaniko
Nung ninakawan nyo bayang sinilangan ko
Pinaghati-hatian nung nag kampi-kampihan
Tas pag nahuli di mag papansinan
Tapos sa dulo pag unti-unti nang tatahimik tao
Itatagong ebidensya at bigla nang maglalaho
Mga proyekto sa lansangan
Gang ngayo'y palpak parin
Bakit patuloy sa pag punas
Gang ngayo'y bagsak parin
Bakit patuloy sa pag punas
Ito na ba'ng ating landas