Lungkot sa 'king mga mata
Hindi sapat ang lumulubog na araw
Sa likod ng damdaming ligaw
Naghihintay dumungaw ang buwan
Bulalakaw magpakita sa 'kin ngayong gabi
Dinggin mo ang hiling ng puso
Bulalakaw 'wag mo sana 'tong maisangtabi
Maaaring hindi mo rin nabasa (mabasa)
Mga kilos ko na sanay mapansin (mapansin)
Ayoko nang mabuhay sa nakaraan (nakaraan)
Yumakap ka at 'wag ng bibitaw
Bulalakaw magpakita sa 'kin ngayong gabi
Dinggin mo ang hiling ng puso
Bulalakaw 'wag mo sana 'tong maisangtabi (bulalakaw)
Sabi nga nila ay kusang darating
Ihahatid na lang ng hangin kailan ba makikilala
Sana nga'y dumating ka na sa buhay ko
Bulalakaw magpakita sa 'kin ngayong gabi
Dinggin mo ang hiling ng puso
Bulalakaw 'wag mo sana 'tong maisangtabi
Bulalakaw magpakita sa 'kin ngayong gabi (hinihintay kang dumating)
Dinggin mo ang hiling ng puso
Malungkot at sawi (lahat sa'yo ay ilalaan)
Bulalakaw 'wag mo sana 'tong maisangtabi (bulalakaw)