'Di ko na yata kayang pag-isipan
Ang mundo kong hindi ikaw ang gitna
Ng lahat ng aking pinapangarap
Ikaw ang tanging dahilan ng aking mga kanta
Napakarami kong nais sabihin
At mas marami pa ang ipadarama
Parang kailan lang tayong nagkakilala
Pero ang dami na nating nalampasan
Ang lalim ng ating kwento
Kahit ilan pang bagyo ang darating
Hanggang sa huling pintig ng puso
Isang dekada na ang nakalipas
Ilang dekada pa ang ating bukas
Na kahit na ano'ng mangyari sa mundo
Hindi magbabago ang aking pangako
Isang dekada na ang nakalipas
Ilang dekada pa ang ating bukas
Isang dekada na ang nakalipas
Ilang dekada pa ang ating bukas