Kahit 'di ako naniniwala sa mga bagay na hindi ko nakikita
Kahit 'di ako nagigising ng maaga dahil sa gabi'y nagpupuyat
Mananalangin kahit hindi naniniwala
Para sayo, para sakin, para sa kinabukasan
Para 'di masayang ang regalo ng buwan
Kahit 'di ako masaya sa sitwasyon ko, gagawa ng sitwasyong kasama mo
Kahit madalas ako ay malungkot, ang tawa'y napapadulas,
Mananalangin kahit hindi naniniwala
Para sayo, para sakin, para sa kinabukasan
Para 'di masayang ang regalo ng buwan
Kahit 'di ako, basta ikaw
Binibigyan ako ng pansamantalang kaligayahan
Para ako'y mahalin ko na rin