Madaling araw, simbang gabi
Mga tao'y naglalakad patungong simbahan
Kinakabahan, pinapawisan ako
Pakiramdam ay hipokrito nanaman
Nakatayo, pasimula na ang misa
Napangiti sa atin ang buwan
Sa loob ng iyong mga mata
Para matupad na rin ang aking hiling
Ilang gabi sa kanya umiyak at
Ang hangin ay kanyang binulungan
At noong hinahatid na kita
Napatanong, "ikaw na ba ang aking tadhana?"
Napangiti sa atin and buwan
Sa loob ng iyong mga mata
Para matupad na rin ang aking hiling
Napangiti sa atin ang buwan
At ang nahanap na tahanan
Sa loob ng iyong mga mata'y
At natupad na rin ang aking hiling