Ilang taon na rin ang nakalipas na huli kitang
Masilayan matitiga't makausap
Matagal ding nangulila sa iyong mga mata (iyong mga mata)
Sana kahit papa'no ay ngumingiti ka pa
At 'wag mag-alala dahil sa araw-araw iniisip kita (iniisip kita)
Babalik pa rin sa'yong tabi sinta
Na parang 'di man lang lumipas panahon
At uuwi pa kahit umulan o umambon
Dahil walang kahit sino o ano man makahahadlang
Sa'ting dalawa 'pagkat tayo'y iisa (iisa)
Magkikita rin naman tayo sa dulo
Kahit sa pagtulog ay tumatakbong patungo
Sa'n mang sulok ng kaisipan
Gabi-gabi ko nang gusto makita
Kaso may pagitan sa puwang
Kung pwede lang kaagad mapunta d'yan
Kung pwede lang yeah yeah
Sana kahit papa'no ay ngumingiti ka pa
At 'wag mag-alala dahil sa araw-araw iniisip kita (kita kita)
Babalik pa rin sa'yong tabi sinta
Parang walang nag-iba (nag-iba)
At parang 'di man lang lumipas panahon
At uuwi pa kahit umulan o umambon
Dahil walang kahit sino o ano man makahahadlang
Sa'ting dalawa 'pagkat tayo'y iisa (tayo iisa)
At sa'n man mapunta (san man mapunta)
Babalik pa rin sa'yong tabi sinta (babalik pa rin 'yong tabi sinta)
Parang walang nag-iba (parang walang nag-iba)
At parang 'di man lang lumipas panahon (lumipas panahon)
At uuwi pa kahit umulan o umambon (kahit umulan o umambon)
Dahil walang kahit sino o ano man makahahadlang
Sa'ting dalawa 'pagkat tayo'y iisa