May pag-ibig pa palang ganto
Tila sumusubaybay ang buong mundo
Bawat tingin bawat sulyap
May wakas ba ang hiwagang kay sarap
Sa tamang panahon sa altar ng poon
Kung hindi man ngayon darating tayo do'n
Kung mahal mo ako at mahal din kita
Balang-araw tayo ring dalawa
Kahit pader di tayo mapaghiwalay
Kahit matatanda'y di tayo masaway
Na kahit 'sang saglit ikaw ay matanaw
Oh yaya-yain kita (yaya-yain kita)
Sa tamang panahon sa altar ng poon (oh)
Yaya-kapin kita (yaya-kapin kita)
Kung hindi man ngayon sa madaling panahon
Kung mahal mo ako at mahal din kita
Balang-araw tayo ring dalawa oh
Kung may hahadlang man sa pagmamahalan
Wag mag-alala puso ko'y sa'yo lamang
Balang-araw alaala natin ito oh
Yaya-yain kita (yaya-yain kita)
Sa tamang panahon sa altar ng poon (oh)
Yaya-kapin kita (yaya-kapin kita)
Kung hindi man ngayon sa madaling panahon
Kung mahal mo ako at mahal din kita
Balang-araw tayo ring dalawa (balang araw sinta)
Kung mahal mo ako at mahal din kita
Balang araw tayo ring dalawa