LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Inuman Na (Tagay 2)

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Ano pa ba ang hinihintay mo
Kasi 'yung tagay hinihintay ko
Bidang-bida ka pa magkuwento
Bumabangka kahit na sa semento

Kaya ako muna magtatanggero
Kasi alam mo bang may kasabihan tayo
'Di baleng magtagal sa suso
'Wag lang magtagal sa baso

Eto namang isa akala ko matibay
Kaya naman pala gagabay na tumagay
Nakakatakot 'yan pambihira
Baka pati 'yung lalamunan mo mahiwa

Ito namang isa lakas mamulutan
Aba 'yung inuman ginawang handaan
Pero ang galing ng 'yong taktika
Kasi bukod sa lasing ka na busog ka pa

Tara tagay tayo tapos sindi (tapos sindi)
Pumunta sa malayo sa walang may paki (walang may paki)
Malalagpasan mo rin ang lahat ng problema
Basta kalma ka lang tumagay ka tapos sindi pa (let's go)

Kaya tara inuman na shot-shot hanggang mag-umaga
Buong tropa magsaya kaya tumagay na
Kaya tara inuman na shot-shot hanggang mag-umaga
Buong tropa magsaya kaya tumagay na (tagay na)

Mayro'n namang kaibigang nagdadrama
Iyak nang iyak kapag lasing na siya
Siya na da'y hilong-hilo at saka nasusuka
Pero ang nasha-shock pala bale dalawa

Mayro'n namang parang bagyo kapag nagkuwento
Sa sobrang hangin daig pa ipo-ipo
Natatawa nga ako sa reaksiyon niya
Kasi 'pag nagkuwento oh with action pa

Si tropa 'pag lasing naman tamang away
Kaya pag-uwi may tamang black eye
'Yung iba naman kaya nasa inuman
Para makadali lang ng kababaihan

Iba-iba talaga mga katangian
Ng mga tao mong makakainuman
Okay lang basta 'wag ka patatangay
At ang alak dapat ay sa tiyan nilalagay

Tara tagay tayo tapos sindi (tapos sindi)
Pumunta sa malayo sa walang may paki (walang may paki)
Malalagpasan mo rin ang lahat ng problema
Basta kalma ka lang tumagay ka tapos sindi pa (let's go)

Kaya tara inuman na shot-shot hanggang mag-umaga
Buong tropa magsaya kaya tumagay na
Kaya tara inuman na shot-shot hanggang mag-umaga
Buong tropa magsaya kaya tumagay na (tagay na)

Eto namang isa CP nang CP
Magkakaharap na nagcha-chat pa sa GC
'Yung isa naman picture nang picture OA
Para lang i-post sa FB 'tsaka i-my day

Mayro'n din dito ganda ng bihis
Pero ang alam lang naman tsumismis
Mayro'n namang tropa ang lakas tumibag
Lakas uminom wala namang ambag

Mayro'n din pa-boss na utos nang utos
Kaya 'yung alak gusto ko sa kanya ibuhos
Buti na lang ay napigilan pa nga 'ko
Nitong kaibigan ko na mahilig magpayo

Ganyan daw talaga dito sa inuman
Iba't ibang ugali at katauhan
Kaya i-shot mo na basta mahalaga
Kalimutan ang problema tayo'y magsaya

Tara tagay tayo tapos sindi (tapos sindi)
Pumunta sa malayo sa walang may paki (walang may paki)
Malalagpasan mo rin ang lahat ng problema
Basta kalma ka lang tumagay ka tapos sindi pa (let's go)

Kaya tara inuman na shot-shot hanggang mag-umaga
Buong tropa magsaya kaya tumagay na
Kaya tara inuman na shot-shot hanggang mag-umaga
Buong tropa magsaya kaya tumagay na (tagay na)

Kaya tara inuman na shot-shot hanggang mag-umaga
Buong tropa magsaya kaya tumagay na
Kaya tara inuman na shot-shot hanggang mag-umaga
Buong tropa magsaya kaya tumagay na (tagay na)

WRITERS

JULIUS GONZALES CENON, ARNOLD MATEO JR

PUBLISHERS

Lyrics © Evolution Media Ltd.

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other