Nagkahiwalay sa daang nilalakaran
Kamay mo ay aking nabitawan
At ang hirap palang naghahanapan
Minsan talaga'y 'di magkatagpo
Sa gitna ng nagkakagulong mundo
Ngunit natatandaan lahat ng pinagdaanan
Maligaw man alam pa rin pupuntahan
Ikaw lang ang uuwian palagi
At mahaba man ang lalakbayin ay
Panatag dahil iisa lang ang ating uuwian
Magkasabay sa daang nilalakaran
Tutuparin munang pangarap natin
Gawin nang dapat gawin nang walang sisihan sa muli nating tagpuan
Ikaw lang ang uuwian palagi
At mahaba man ang lalakbayin ay
Panatag dahil iisa lang ang ating uuwian woah (oh oh)
Minsan talaga'y 'di magkatagpo
Sa gitna ng nagkakagulong mundo
Ngunit natatandaan lahat ng pinagdaanan
Maligaw man alam pa rin pupuntahan
Ikaw lang ang uuwian palagi
At mahaba man ang lalakbayin ay
Panatag dahil iisa lang ang ating uuwian
Ikaw lang ang uuwian palagi
At mahaba man ang lalakbayin ay
Panatag dahil iisa lang ang ating uuwian