LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Paborito Kong Pasko

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Malamig ang gabi, ngunit damdamin ay payapa

Di alintana sa init na dulot ng 'yong yakap

Problema'y naglalaho, sa piling mo, sinta

Bawa't gabi ay Pasko, kapag tayo'y magkahawak

Maingay ang kalsada, ang gabi ay kay liwanag
Sa gitna ng saya, mga mata mo'y kumikislap
Sa bawat ngiti mo, pagod ko'y nawawala
Bawa't oras ay Pasko, kapag ika'y kasama
Sa piling mo
Lahat ay kumpleto, o ikaw ang dahilan ng

Paborito kong Pasko
Pag kasama ka, pag—ibig ay sumasaya
Bawa't sandali, may himig ng pag—asa
Ikaw ang pinangarap kong himala
Ang lahat sa buhay ko'y makulay
Dahil sa 'yo ay may saysay
Sa piling mo, kumpleto ang aking Pasko
Paborito kong umaga, pagmulat ay may biyaya
Pag—ibig ng Maykapal, bumabalot sa atin sinta
Paborito kong sandali, ako'y ligtas sa iyong piling
Diyos ay buhay, pagmamahal Niya ay damang—dama sa atin
Kumpleto ang aking Pasko

WRITERS

Soc Villanueva

PUBLISHERS

Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other