LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

in Luv w u

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Mahal na kita sa paraan na ako lang ang nakakaalam(nakakaalam)
Mahal na kita kaso nga lang hindi mo 'yon alam(di mo yon alam)
Gusto kong iparamdam sa 'yo all night baby hold tight
Don't be scared baby it's alright 'cause I'm in love with you

Lately ko lang napatunayan na mahal na kita
Simula nagkatinginan nang mata sa mata
'Di ko maipaliwanag ang nadarama sa 'yo
Pa'no na 'to ano ba 'to
Pusong matigas pinalambot mo
Bakit gan'to nagtatanong
Kung ako rin ba ang laman ng iniisip mo

Pa'no kung kumatok ako sa pintuan niyo
Pagbubuksan mo ba kaya ang tulad ko
Kung sakali na mangyari sasabihin ko
'Di na magdadalawang-isip na sabihin 'to

Agad-agad sasagutin ang mga tanong mo
Sana sagutin mo din ang mga tanong ko
Gusto ko na malinawan ayoko nang gan'to
Minahal kasi kita kaya ko 'to ginusto

Mahal na kita sa paraan na ako lang ang nakakaalam(nakakaalam)
Mahal na kita kaso nga lang hindi mo 'yon alam (di mo yon alam)
Gusto kong iparamdam sa 'yo all night baby hold tight
Don't be scared baby it's alright 'cause I'm in love with you

Sa pagkatok ko sa pinto agad mo na pinagbuksan
Laking tuwa ko nang ika'y masulyapan
Hinawakan ang kamay mo nang hindi nag-alangan
Agad sinabi kung ano ba aking nararamdaman

Nagkatinginan tayo nang mata sa mata
Naramdaman ko na mayro'n na ngang kakaiba
Nang kinausap mo ako nag-uumapaw ang saya
Halos lumuha na ang aking mga mata

Hindi na nag-isip ako'y nagbaka-sakali
Tinanong kita kung puwede ba sa puso mo maghari
Wala na akong paki sa kahit ano pang mangyari
Gusto nga kasi kita kaya ko 'to sa 'yo sinabi

Laking gulat ko nang biglang halik mo sa 'king labi
At nagpasalamat ka sa pagkamabuti kong lalaki
Pati sa lahat-lahat ng aking mga sinabi
Sabay bulong mo sa 'kin na 'yung gusto ko hindi puwedeng mangyari

Mahal na kita sa paraan na ako lang ang nakakaalam (nakakaalam)
Mahal na kita kaso nga lang hindi mo 'yon alam (di mo yon alam)
Gusto kong iparamdam sa 'yo all night baby hold tight
Don't be scared baby it's alright 'cause I'm in love with you

Mahal na kita sa paraan na ako lang ang nakakaalam ('cause I'm in love with you)
Mahal na kita kaso nga lang hindi mo 'yon alam
Gusto kong iparamdam sa 'yo all night baby hold tight
Don't be scared baby it's alright 'cause I'm in love with you

Baby I'm in love with you oh-whoa-oh

WRITERS

DOMINIK WIRSCHING, JAN QUINTANA

PUBLISHERS

Lyrics © Sony/ATV Music Publishing LLC

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other