LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Unang Salita

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Sa t'wing nagbibilang ako
Ng mga dumaraang tao
Sa t'wing lumilipas ang mga
Buwan man o taon
Sa bawat yugto ng buhay ko

Magbago man aking mundo
Tila laging bumabalik sa ‘yo

Dahil ikaw ang unang-unang
Nagpatibok ng pusong
‘Di pa maintindihan

Mga binubuong salita
Nung ako ay bata pa
Naturuang kumapa ng musika
Gamit aking mga paa

Ang una kong nasa isip
"Mahal kita"

Umabot ng kolehiyo
Natutong ‘di ipaalam sa ‘yo
Mga bagay na ‘di na sinasabi
At sikreto kong tinatanggi

Kahit ikaw ang unang-unang
Nagpatibok ng pusong
‘Di na maintindihan

Mga binubuong salita
Nung ako ay na-in love na
At natutong magsulat
Ng mga liham ‘di mo na alam

At sinasabi sa isip
"Kaya ko na"

Nung ako'y tumatanda
Pilit ko nang kinakaya
Mabuhay na nang mag-isa
Lalo ngayong wala ka na

Ikaw pa rin ang unang-unang
Nagpatibok ng pusong
Naintindihan ko na

Mga binubuong salita
Mula nung ako'y bata pa
Mga ligaya't alaala’t
Mahirap nang mabalikan

Mga binubuong salita
Mula nung ako'y bata pa
Mga ligaya't alaala’t
Mahirap nang mabalikan

Mga binubuong salita
Mula nung ako'y bata pa
Mga ligaya't alaala’t
Mahirap nang mabalikan

Ngayon ang tanging nasa isip
"Balik ka na"

WRITERS

Jessica Pineda Rodriguez, Marlon Barnuevo, Jessica Rodriguez

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other