Malimit na akong nalilito
Malimit na akong nalilito
Nabalisa nang madiin kasi nga
Kakaiba ang pagtingin sa iba
Napapisa ng hangin galit na
Pagkat di pa inamin sa iyo
Kakahiya kung di naman din totoo
Ang sapantahang tinanim ko sayo
Baka biglang linlangin mo ako
Nanatili ang hinala di na din lumayo
Malapit na umapaw ang kamuhian
Sa salop subalit ako'y nadungisan ng takot
Nako mukhang sa luntian ang abot
Pag gabi palagi akong nasuklian ng yamot
At dahil sa pagsinta ay hindi ako naturingang
Madamot kasalukuyang tumba sa rasong di ka pa handa
Sa aking hiling tayo sa mga napakita
Ay hindi pwepwedeng mag piring ako
Malimit na akong nalilito
Malimit na akong nalilito
Tuwing kasama ka may pinadadama kang
Di na tama pag lambing nawawala na
Tila di ka na kasama at sa ngayon
Ibang iba na ang haka nahahanginan
Kang aklat nabubuklat kaya unti-unti
Kitang nababasa sabi mo sakin ako
Ang 'yong adhikain gusto mo din maging
Tayo kaso parang alanganin
Aking tanong na malimit madinig gusto mo ba talagang
Magkaron tayo ng pag ibig? mag aalok ka ng gimik tapos kapag
Nandun na tayo makikita lang kitang sa ibang tao nakatitig ano ba ang hilig?
Talong na nasisid? dahil sa pinapamalas
Mo naging ganto na mag isip baka nga
Kaya ika'y pumipirmi sa tabi ko kasi kaya
Mong humingi ng salapi ko...
Malimit na akong nalilito
Malimit na akong nalilito
Malimit na akong nalilito