LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Aswang

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
May isang kubo sa Negros Occidental
Na nababalot ng misteryo
Makinig at isasalaysay ko ang buong kwento

Alas dos ng umaga may kumakaluskos sa aming bubong
Panahon na naman para ihanda ang aking balisong
Buntot pagi at ang bawang gawing pananggalang
Handa na ang katawan makipaglaban sa aswang

Nang biglang bumukas ang bintana ako ay nagulantang
Saktong nagkatitigan kami ng ‘di ko kilalang aswang
Binunot ang balisong ‘di na nag-alinlangan
Habang ako'y palapit iba ang nararamdaman

Biglang tumigil ang mundo
‘Di naman ako kinakabahan
Pero ba't ambilis ng tibok puso ko

‘Langhiyang pag-ibig anlakas ng amats mo
Minsan nga lang tatamaan sa ‘di pa tao
‘La na sa lugar ang tadhana magbiro
Papanain ka nga ni kupido sa ‘di pa tao

May kinang ang kanyang mga mata kahit na kulay pula
Buhaghag ang buhok pero bakit parang bagay sa kanya
(Uy mahangin ba sa labas)
Talagang nakakabighani ang kanyang ganda
Ako'y natauhan lang nang meron akong napuna

Parang may kulang sa katawan ng kaharap ko na aswang
May ulo may balikat may kamay pero bakit walang baywang (seksi ah)
‘Di alam kung ano ang aking mararamdaman
‘Di ko kayang sumugal sa hati ang katawan

Gan'to na ba kalupit ang mundo
Ang taong aking dinarasal
Dumating naman pero bakit anyong manananggal (naku po)

Tanginang pag-ibig anlakas ng amats mo
Tatamaan pero ba't sa kalahating tao
‘La na sa lugar ang tadhana magbiro
Papanain ka nga ni kupido sa ‘di pa tao

Sa ‘di pa tao
Sa ‘di pa tao

WRITERS

Joe Mark Ron Lauriano, Archie Malate

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other