Bakit dumating ka sa buhay ko
Sa 'yong pinagmulan ligaya'y 'di nakamtan
Ngayon sa labi'y may ngiti
Kahit ilang araw lamang sa 'yo'y naipadama
Siya ang sa 'yo ay may lalang
Ba't 'di mo subukan damhin ang ligayang
Aking naranasan oh kay sarap
Hanapin siya kung saan naliligaw na sino pa man
At ipahayag ang iyong natagpuan
Bawat segundo ay hawak mo
Kaya't linisin ang bawat hangarin
Isipin na ang dapat gawin
Ikaw ay nagkulang man Diyos ay tawagin lang
At siya'y iyong pakinggan
Ba't 'di mo subukan damhin ang ligayang
Aking naranasan oh kay sarap
Hanapin siya kung saan naliligaw na sino pa man
At ipahayag ang iyong natagpuan
Ba't 'di mo subukan damhin ang ligayang
Aking naranasan oh kay sarap
Hanapin siya kung saan naliligaw na sino pa man
At ipahayag ang iyong natagpuan